Nakapunta na ko sa bansang Hongkong noong oktobre ng 2008, apat na taon na ang nakakalipas. Ito ang unang lugar na napuntahan ko sa labas ng sariling bansa, kasama ang mga pamangkin, ang mama at ang pangalawa kong kapatid, sama sama naming binisita ang banyagang lugar.
Sumakay kami ng eroplano papunta sa Manila at duon naman sumakay ulit ng eroplano papuntang Hongkong. Dalawang oras lang inabot ang biyahe. Mas mahaba pa ng apat na oras ang hinintay namin para sa boarding ng eroplano.
Pagdating sa Hongkong, manghang mangha ako sa paliparan nila, hindi ito mukhang paliparan, para lang ito isang malaking mall. Maraming baitang, maraming kainan at maraming mga tindahan ng mamahaling damit. Nasa paliparan ka pa lang ng Hongkong, ubos na agad ang pera mo.
Meron kaming travel agent, noong araw na yun, babae ang nagsundo saamin. Nakalagay sa isang papel ang pangalan ng kapatid ko,sa ganung paraan namin nalaman na sila nga ang sundo namin.
Mula sa paliparan ng Hongkong, sakay ng isang shuttle bus, hinatid kami ng travel agent sa hotel na magiging tirahan namin pang samantala, Dorset hotel ang pangalan nito. Sa biyahe ding yun binigay sa amin ang mga food vouchers para sa libreng agahan sa Mc donalds.
Madilim na ng dumating kami sa hotel, kaya nung sunod na araw na lang nagsisimula ang tour.
Dahil hindi kasama sa binayaran ang pagkain namin sa gabing yun, kumain kami sa kalye na malapit sa hotel, night market kung tawagin. Ito'y mahabang kalye na maraming kainan at tindahan ng kung anu ano, para lang tiange dito sa amin pag fiesta. Ang pinagkaiba lang, dito tuwing fiesta lang my ganun, sa kanila gabi-gabi.
Kumain kami sa kainan na ngbebenta ng kanin at sinubukang kumain gamit ang chopstick. Buti na lang ngpagtripan namin ng kaibigan ko magchopstick sa tokyo tokyo, nagamit ko din pala. Pagkatapos kumain, naglakad lakad kami sa mga tindahan at pagkatapos bumalik na din sa hotel.
Dalawang kwarto ang kinuha namin, ang kapatid at mga pamangkin ko sa isang kwarto, ako at ang mama ko sa kabilang kwarto naman. Unang gabi ko sa Hongkong nun, hindi makatulong ng maayos pero dinalaw din ng antok matapos mgpaikot ikot sa higaan.
Nagising ako na wala sa sarili, bigla ko naalalang wala pala ako sa bahay, ito pala ang unang araw ko sa Hongkong. Maagang nagising ang mga kasama kong bata, lahat ay excited magsimula ang tour. Pagkatapos maligo at magbihis ay pumunta kami sa Mc Donalds kung saan ginamit ang food vouchers na binigay ng tour guide. Medyo ma distansya ang kainan sa hotel, pero okay lang naman dahil sight seeing na din ng mga tindahan at buhay nila dun. Hindi ganun ka busy ang lungsod, walang masyadong tao sa kalye, mabibilang mo lang ang nakakasalubong mo. Pero pagpasok namin sa Mc Donalds, nandun ang iba't ibang klase ng tao. Estudyante, bata, nanay, magoopisina at mga turistang tulad namin, busy rin pala ang parte iyon ng Hongkong. Pagkatapos kumain, agad din kaming bumalik sa hotel. Dun kasi kami susunduin ng shuttle bus na magiging sakayan namin sa unang araw ng tour. Lalakeng tour guide ang nagsundo saamin.
Unang araw ng tour, ang schedule namin nun ay ang city tour. Linibot namin ang lugar ng Hongkong. Namangha sa taas ng mga gusali at linis ng lugar. Pareho lang ang time zone ng Pinas at Hongkong kaya hindi mahirap mag adjust dito. Ang Hongkong pala ay hindi na aapektuhan ng lindol, sa kung anong dahilan, hindi ko na maalala. Kaya pataasan na lang sila ng mga gusali.
Nandun din sa gitna ng mga gusali ay ang sementeryong hindi mukhang sementeryo. Sa unang tingin para lang silang palamuti ng lungsod. Ang layo layo sa linis ang pinas!Marami kaming pinuntahang lugar, tourist spot kung baga. Konti na lang ang naalala ko,isa na dito yung floating restaurant kung tawagin ay jumbo. Sumakay kami ng bangka at nagpaikot ikot sa ilog ng Hongkong.
Nakita ko dito ang mga bahay na nakalutang sa tubig, para silang isquater dun, nasa tubig nga lang. Duon sa parte yun ng Hongkong ko nadama na meron din palang ganun doon. Kahit anong unlad ng lugar o kahit ganu kaganda may mga taong squater din.
Naalala ko din yung pinuntahan namin sa tabing dagat. Makikita mo ang buong Hongkong sa parteng yun. my life size picture si jackie jan dun, nagpakuha pa nga ako ng litrato at meron din coffee shop na hindi ko ma bigkas ang mga tindang tinapay.
Pumunta din kami sa isang gawaan ng alahas. Hindi naman ako nakinig sa speaker, sobrang magha ko kasi sa mga alas na mas mahal pa sa tuition fee ko. Inisip ko din ng mga oras na yun kung ano kaya ang tuwang naidudulot ng ganung kamahal na alas. Binili kami ni mama ng pig isang pares ng hikaw. Souvenir daw.
Buong umaga lang yung city tour, Kaya bakante yung hapon namin. Pgdating sa hotel umalis din kami agad dahil kakain ng pananghalian. Dun lang din sa malapit sa hotel kami kumain, isang restaurant, kung saan nakasabit ang peking duck sa bitana. Nakalimutan ko na kung ano kinain namin, naalala ko na lang ay yung tea at yung mga isda sa aquarium na pwede mong pilian at ipaluto.
Doon sa araw din yun namin napagisipan pumunta sa night market. Pero masyadong malayo pala, hindi kaya ni mama maglakad ng malayo dahil sa kapansanan nya. Ang resulta, naiwan sa hotel si mama kasama ang tatlong pamankin ko. Kami ng ate ko ang pumunta sa night market gabay ng isang mapang nakuha ko sa lamesa ng hotel. Dun ko rin nalaman na marunong pala ako mg basa ng mapa. Yun ang hidden talent ko!
Ang haba ng nilakad namin, pero hindi masyadong na pansin dahil sa pagtingin tingin sa mga gusaling nadadaanan. My watson, my mga kainan, my mga hotel, my mc donalds at 711 din. Maraming mamahaling boutique, tindahan ng sapatos, bag, damit at prutas, my salon at mga up and down na bus.astig! Sa hinaba haba ng linakad namin, narating din namin ang night market. Hindi pa namin napapnsin ang pagod.
Samot saring mga gamit ang Makikita mo sa night market. Ang tanda ko, tatlong kalye yung market, ang una ay para sa mga damit, yung pangalawa ay para sa sports equipment at yung pangatlo ay para sa gadgets. Hindi na namin pinuntahan yung iba, masaya na kami sa market ng mga damit at abubot. Kalahati yata ng linakad namin papunta dun ang haba nung night market, walang katapusang lakaran.
Maraming tourista ang nandun, iba ibang lahi. Dun din kami nakabili ng mga pang pasalubong, mga pitaka, bag, salamin, shawl at boots ng ate ko. Hindi ko na pansin na gabing gabi na pala. Kahit alas dyis na, buhay na buhay pa ang lungsod. Bukas pa ang mga tindahan, hindi nakakatakot maglakad dahil marami kang makakasalubong na mga taong laging nagmamadali. Lakad ulit kami pabalik ng hotel,mas madali yun kaysa sumakay sa taxi,baka tuluyan kaming mawala. sa ka haba haba ng lakaran nakaabot din kami sa hotel. Ngsisgawan na ang mga legs at paa ko, gustong gusto na mgpahinga.
Pangalawang araw sa Hongkong pareho din ang systema tulad ng unang araw. Kumain sa Mc donalds pero dun na kami sa parke sa harap ng hotel ng hintay ng shuttle bus. Dun pala kasi dapat kami mghihintay hindi sa lobby ng hotel. Dun ko napansin na tahimik ang Hongkong,walang pulubi sa kalye, walang batang nglalaro maging sa parke. My isang matanda ngbabasa ng libro at nakakatuwang tignan na bumuhat pa siya sa kinauupuan nya para itapon ang upos ng sigarilyong hawak nya. Kaya malinis ang Hongkong dahil my disiplina ang mga tao. Paano kaya nila na pagutos ang disiplina?
Nung mga oras din yun ko napansin na wala na yung mga tindahan sa kabilang kalye, parang hindi sila buhay, dahil walang bakas na ngpapakita na my market dun. Malinis.
Sa dulo ng parke ay my temple. Nakalimutan ko na din kung anong temple yun at kung bakit nandun sila. Basta tanda ko lang, bawal mag picture sa loob!
Dumating din ang bus na madadala samin sa disneyland, pangalawang araw ay ang disneyland day.
Maraming souvenir shops, marami sana akong gustong bilhin, wala nga lang akong pera. Sayang talaga, sa susunod magiipon na talaga ako.
Sa disneyland pala galing yung hugis mickey mouse na lapis ko dati, pinadala lang yun sakin ng auntie ko, color blue yun. iiyak dun ang mga taong ngkokolekta ng mickey mouse dahil sa sobrang rami at sa sobrang mahal iiyak ka na lang talaga.
Isang magandang fireworks ang nagtapos ng disneyland adventure namin, parang ang bilis lang ng araw na yun.
Pangatlong araw, dating gawi, medyo na late kami ngayon dahil din siguro sa pagod. Muntik pa kami maiwan ng shuttle bus, buti na lang hinintay kami. Ocean park adventure ang pangatlong araw.
Masaya din dito, fun park kung baga. Dito ako unang nakasakay ng cable cart. Takot kung takot talaga ang naramdaman ko, mahuhulog ka kaya sa tubig pag nagkataon! Lake yata ang dinadaanan ng cable cart. Siguro tumagal din ng mga 15 minutes yung biyahe ng cable cart. At dalawang beses pa kailangan sumakay para makabalik kung san kami galing. Nahahati sa dalawang parte ang ocean park, yun ang dahilan kung bakit kailangan ko sumakay sa cable cart. Mararating mo ang kalahati sa pagsakay ng cable cart.
Sa banda yun nakalagay yung mga ferris wheel na malalaki. Yung mga rides na para lang sa taong malakas ang loob. Yung tipong aatakihin ako sa puso pag sinakayan ko, kahit wala naman talaga akong sakit sa puso. May mga darts na papanalunan mo ay malalaking stuff toys. Hindi pala maganda sa bata yun parteng yun, kaya bumalik na lang kami sa kabilang parte.
Duon sa parteng iyon ay may mga mascot at nandun din yung mga rides na pang bata talaga. Yung tipong bawal na ko sumakay kasi over age na ko.
Nanuod kami ng seal show at ng perform na clown. Naglakadlakad sa parke at bumili din ng mga souvenir na mga stuff toy sa gift shop.
Natapos din ang araw. lahat pagod at lahat naman kami masaya. Hinatid ulit kami ng shuttle bus pabalik sa hotel
Huling gabi na namin yun. Bumili na lang ang ate ko ng pagkain sa labas at sa loob na lang din ng hotel kami kumain. Nung sumunod na araw na ang balik namin sa pinas.
Pang apat na umaga ko sa Hongkong, medyo late na ko gumising dahil hapon pa naman yung sundo na maghahatid sa amin sa pariparan. tinake out na lang din namin yung Mc donalds at sa hotel kinain. Naalala ko pa na naglast buy pa ako ng sandals na nakita sa boutique na malapit sa hotel. Kumain din kmi ng egg pie at uminom ng shake sa katabi ng hotel.
Matagal pa ang hinintay namin sa lobby ng hotel pagkatapos mag checkout. Dun ko lang din na pansin na ang kainan ng hotel ay nasa seventh floor at hindi sa ground floor. Naalala ko pa nagpunta kami dun dahil walang banyo sa lobby.
Matagal din ang hinintay namin sa airport ng Hongkong at maraming pasikot sikot pa mula sa entrance. Sumakay pa nga ata kami ng shuttle bus sa loob ng paliparan para makarating sa tamang lugar kung saan kami maghihintay. At last, boarding na din,pabalik na kami ng pinas.
Sa pagpunta namin dito, nadagdagan nanaman ang mga gamit ko. Meron akong 2 bagong bag(ngayon ay sira na) sapatos(sira na rin), coin purse na keychain na minnie mouse(nagkakalat kalat sa bahay), salamin(gamit ko parin hangang nayon), stuff toy na dolphin(pinamana ko na sa anak ko) at mga tissue at sabon na sinira na ng bagyo.
Hindi ko alam kung kailang ulit ako makakalabas ng bansa. Pero nagpapasalamat ako dahil Hongkong ang una kong napuntahan, masaya parang ang sarap ulit ulitin.
Nakakalungkot na ang layo ng lugar na yun sa pinas. Pero kahit mas maunlad sila, mas malinis sila, mas disiplinado sila at kahit na may disneyland sila, masaya pa din dito sa pinas. At yun, ang isang bagay na pinagmamalaki ko, bilang isang pilipino.