Tuesday, October 2, 2012

sayang perya

   Nagbonding kami ng mga kapatid  at naisipang pumunta sa perya. Mag fifiesta na kasi sa katabing lungsod kaya may peryahan, semi carnival ang style. Minsan lang ang perya dito, hindi tulad sa Manila, whole year round may carnival.

   Hindi kasi ito yung peryang ordinaryo, meron ito ngayon na Ferris wheel, mini roller coaster.  bump car, carousel at marami pang rides.
   Una naming sinakyan yung carousel, dahil yun lang din naman ang alam ng 2 taon kong anak. Pero walang kabayo sa carousel, elepante, giraffe, camel at zebra meron. walang kabayo pero sulit dahil may Safari!
Tatlong minuto din kami ngpa ikot ikot, nahilo na lang ako ng kakaikot.


   Sunod namin sinakyan ay yung bump car. Kasabay ko sa kotse kotse yung anak ko, tuwang tuwa naman siya.parang ang bilis lang nun, hindi pa nga umaandar yung kotse ng kapatid ko tapos na agad! pero masaya.
Sunod na sinakyan namin ay ang ferris wheel kung saan nagsisigaw ako ng napaka lakas. Sinigaw ko sa buong perya n hindi na talaga ako sasakay ng ferris wheel. Bumaba din agad yung isa kong kapatid at pamangkin ko, kasama kasi nila yung anak ko, takot na takot na.
   Sunod nami sinubukan ay yung swan, kung saan iikot ka ng mahina at bibilis ito habang tumatagal. Nangalay yung kamay ko kakahawak dahil kung hindi ka hahawak, lilipad ka palabas ng sasakyan.
Yun na muna sinakyan namin, hindi muna namin susubukan yung iba dahil hindi ko sigurado kung pwede yun sa anak kong dalawang taon at sa totoo, kulang na rin yung perang dala namin.
Kumain din kami sa tuhog tuhog, street foods Sa english, Nalakadlakad sa tiange kung saan nakabili ng shorts yung mga kapatid ko at tsinelas yung anak ko. Hindi ko ma isip kung bakit ang hilig hilig nya sa tsinelas at kung bakit sa karami raming color eh, violet nanaman napili nya. Sinales talk din pala sya nung tinderong natitinda ng laruan, kaya ayun, my laruan syang paru-paro na itutulak mo at gagalaw yung pakpak. At sigurado ako, hindi pa ng isang araw, sira na yun.
  Gabi na din kami nakauwi, magtatatlong oras din pala kami dun, parang ang bilis lang. At sinong nagsabing hindi nabibili ang kasiyahan? At sino din nagsabing hindi ito mahal? Kung iisipin, ang simpleng kasiyahan tulad sa pagsakay ng rides na yun ay mahal din pala. Pero okay lang yun, ano pa ba ang mura sa panahon na ito? Ang importante lang naman, masaya ka, masaya sila at ang iilang taong kasama ko sa peryang yun.
balak namin bumalik sa isang lingo, maiipon ulit ng pera para sa panandaliang kasayahan. 

No comments:

Post a Comment