Wednesday, October 17, 2012

perya II


   Akalain mo, nagkaroon nga ng perya 2. Ngayon naman kasama ko ang asawa ko, ang anak kong si Daja ang kapatid kong si Shane at ang pamangkin kong si Tisoy. Pumunta kami ng perya, pangalawang beses ng mga babae, unang beses para sa mga lalake.

   Hindi na ko sumakay ng merry go around, yung anak at asawa ko na lang ang hinayaan kong sumakay. Total hindi pa naman din nakakasakay asawa ko, kaya siya na rin ang pinabayaan kong umalalay kay daja. 

   Habang nasa merry go around sila, sumakay naman ng ferris wheel si Shane at si tisoy. Ako, naghintay lang sa mga kasama ko habang ng picture picture, masaya na ko dun.

 

     Sumakay naman ng bumper car yund dalawang lalake kasama si Daja. Kami dalawa ni Shane tawa na lang ang ginawa. Hindi ko alam kung bakit hindi sumakay si Shane, siguro boring para sakanya ang bumper car.

   Dun kaming dalawa sa hurricane sumakay. Mini roller coaster ang dating nun, buti na lang hindi ako kumain dahil talagang susuka ako kung nagkataon! Ibang iba ang feeling ng mabilis at biglang liliko at biglang baba at dahil dun, hinding hindi na ko sasakay ng roller coaster! Tama nag na experience ko yun. Masaya na ko na nalaman ko ang ganun pakiramdam. Pero hindi na ko uulit, kahit kailan.
   Para lang naman ganun ang sinabi ko nung una kong sakay sa ferris wheel, sumakay pa din ako ulit kasama ng asawa ko. Pinapili kasi nya ko kung yun ferris wheel o yung octopus, sukang suka na nga ako at namumutla pa at hindi ko alam kung kakayanin ko pang mgpaikot ikot ng mabilis napara kang ihahagis, Kaya ferris wheel na lang.

   Kung malasin ka nga naman, nasira pa yung ferris wheel at nasa pinakataas kami. Anak ng ferris wheel naman. Buti na lang hindi ganun nakakatakot pag nakahinto, pero ang imahinasyon ko, umabot sa final destination! Siguro inabot din kami 20 min. Dun sa taas, nung naayos na, bumaba na din kami agad, kawawa naman yung mga batang nghihintay samin batong bato na.
   pinakahuling sinakyan namin ay yung horror train. yung anak kong 2 at kalahating taon lang ang natakot! Bukod sa nagsayang kami ng pera nagsayang din kami ng oras. Anu ba naman nakakatakot sa pagpalo sa kisameng dingding ng tunnel ng horror train? At naman, hindi pa nilang ginawang glow in the dark yung mga suot nila para nakikita sila. Dismaya pero okay lang. Nakatulong naman kami sa mga taong gumawa ng ganun kalokohan. Sana nabusog sila sa pinagbayad namin.

   Hindi completo ang araw sa piyera kung hindi kami kakain sa street foods, hepa line kung tawagin ng asawa ko. Talagang masarap kumain sa ganun, wag lang araw araw at siguradong hepa aabutin mo. 

   At hinding hinding hindi papayang ang anak ko na hindi sya makabili ng laruan. Kaya ayun, binili namin ng baril barilan na bubbles ang lumalabas.

  pagod pero masaya naman kaming umuwi, at hindi pa ako nakaka get over sa dinanas ko sa hurricane. Atleast my bago akong experience nung araw na yun, Ang pakiramdam ng sumakay sa roller coaster, first time ko yun, at hindi ko alam kung kaya ko sumakay sa mas mahaba pang ganun. Pero masaya na din dahil kahit isang beses sa buhay ko, ngkaroon ako ng lakas na sumakay sa ganung rides.






opps... Nagpaplano pa ng part three. My octopus at sea dragon pang hindi nasasakyan, maiipon muna ako ng maraming lakas ng loob.

No comments:

Post a Comment