Itong dalawang pelikulang patok na patok sa pinas ngayong taon. Maraming naghintay para mapanood ito at marami din kinilig habang nanonood. Aaminin ko, isa din ako sa ng hinintay at kinilig rin dahil dito.
The mistress si bea alonzo at si john llyod cruz a bida. Ito ay isang kwento ng bawal na pagibig. Kung saan si bea ay isang kabit, kabit ng ama ni john llyod. pero bago pa malaman ni john llyod ito mahal na nya si bea. Sa huli hindi pa rin sila ngkatuluyan dahil sa situasyon nila.
(At dahil sa dalwang ito, kaya gustong gusto kong mapanood ito.)
The secret affair si anne curtiz, andi eiguiman at derek ramsay naman ang mga bida. Ito naman ay kwento ng love triangle. First love ni andi dito si derek kung saan naman naging gf nya si anne na kaibigan ni andi. Sa huli, wala ng katuluyan sa kanilang lahat.
(at dahil kay anne curtis kaya ko to pinanood)
Hindi ako kritiko ng mga pelikula,pero kung ako tatanungin, sa opinyon ko, mas maganda ang unang pelikula (pero sekreto lang, medyo bias ako, fan kasi ako ni bea at llyodi (:). Mas maraming emosyon na pinakita, mas maganda ang takbo ng kwento, Walang boring na parte.
Samantalang ang pangalawang pelikula ay medyo my boring na parte, yung mga bangayan sa internet, hindi ko nagustuhan. Pero sinasalamin nito ang buhay ng mga kabataang pinoy, mga sosyalera, mga part goers, mga liberated na kabataang pinoy. Aaminin ko, naging parte din ako ng ganitong henerasyon, kaya ayoko nito dahil hindi ko nagustuhan ang parteng ito ng bagong henerasyon.
Hindi ko alam kung sino ang mga inspirasyon ng mga direktor at ng mga script writter ng mga pelikula ito, pero hindi ko gusto na ganito na pala kababaw ang industria ng pelikulang pilipino. Puro love triangle, kabit at puro na lang awayan. Hindi na wholesome, hindi na pangpamilya.
Pilit natin ginagaya ang mga pelikula ng mga banyaga, minsan hindi na tama dahil ipinipilit sa cultura natin ang cultura ng Iba.
Hindi ko naman sinasabing masama yon, ang punto ko lang, nagiging inspirasyon ng mga kabataan ang mga napapanood nila. Malaki ang kinalaman ng mga nakikita ng mga kabataan sa pgkatao nila. Dahil dito ngkakagulo gulo ang sanay dapat na pagasa ng bayan.
Sana sa mga susunod na panahon, maging magandang impluwenxa naman ang mga pelikula, na kukunan ng aral ng mga kabataan, malay natin, magbago ang kabataan dahil ng bago din ang mga masasamang impluwensya sa bansa at yan sana ang gusto ko makita, ang pagbabago sa mabuting paraan ng kabataan.
Hindi naman masamang mangarap kahit pa minsan minsan lang.
No comments:
Post a Comment