Sunday, November 25, 2012


Minsan naiisip ko ang nakaraan at napapaisip ako, kung bakit ni minsan hindi ko nabalikan ang mga alaala natin.
Mahaba naman ang pinagsamahan natin, doble pa sa haba nung isang tao na matagal kong iniyakan. Iniyakan ko yun ng dalawang taon, pitong buwan lang kami. Ikaw naman, pitong taon, pero hindi ko maalala na iniyakan ko yung araw na yun. Hindi ko rin maalaala my sakit akong naramdam.

My mga oras din naman na maiisip ko yung tayo, pero pipilitin pa, hindi katulad ng iba, bigla na lang maaalala. Ewan ko ba, o sadya mapaglaro lang and tadhana.

Ikaw ang naging una, pero kung titignan, yung pangalawa ang una, dahil sa kanya ako umiyak ng sobra, sa kanya na saktan ng todo at sa kanya natutong lumaban. Unang pagibig, kung tatawagin, dahil lintik na pag-ibig yun, matagal bago nakalimutan at hindi ko din sigurado kung patay na nga iyon. Nakakahiyang aminin na napakabuluhan nung pitong buwan na yun mas makabuluhan sa pitong taon natin pinagasamahan.

Kung iisipin, maraming panyayari satin na pwede kong isumbat sayo, pero pinilit ko na lang manahimik, dahil alam ko, nasaktan kita ng sobra sobra pa. mas mabuti na siguro makita ng tao na ako ang masama, kaysa isipin nila na ikaw. Iyon na lang ang tanging bagay na pwede kong ibigay sayo, sapat na yung kabayaran sa sakit na sa tingin mo ibinagay ko sayo.

Ikinukwento ko ito hindi para isumbat lahat sayo, o linisin ang ano pa mang pangalan ko, dahil matagal na nagyari ang tayo at hindi ko pinagsisisihan ang mga bagay na nagawa ko nun. Itong mga alaala ito ay pilit ko inisip hindi sila dumaan na parang jeep sa alaala ko. Pero nakakalungkot dahil itong mga ito ang tanging alaala ko sayo, sa pitong taong iyon, ito ang nangingibabaw.

-Naalala mo ba nung tayo pa, ipinaguhit mo ang mukha ko, pero pinaguhit mo rin ang mukha ng isa pang babae kaklase mo din

-Meron kng pasalubong na stuff toy malaki yun, pero meron ka rin bingay sa kapitbahay mong babae, stuff din, pero maliit ngalang.

-Meron kang bagong cellphone, hinihiram ko pero hindi ka pumayag dahil hnihiram din yung ng isang kaibigan babae(sino ba talaga ang girlfriend mo?)

-Meron kang kanta para saken, pero meron ka din kanta para sa iba.

-My oras ka para sakin, meron ka din oras para sa kanya, at hindi ko lubos maisip kung bakit pinipilit mong pagsamahin kami nung mga panahon na yun. Nakakainsulto sa parte ko, kung bakit,wag nalang, ayoko ng pahabain pa ito dahil hindi naman ito ganun kaimportante.

Naisulat ko ito para na lang siguro my maisulat ako para sayo. Naisulat ko na ang mga kaibgan ko, mga unang pagibig at anak ko at hindi naman patas na basta basta na lang kitang kalimutan.

Ngayon, naisip ko kung bakit hindi ako na saktan, dahil hindi ko alam kung naging masaya ba talaga ko sayo. Hindi ako mapiling tao, pero ang maging masaya ang tanging gusto ko. Siguro ang pitong taon na yun kung naging masaya ay isa rin sa mga alaalang masaya. At malamang iiyakan ko din iyon.

hindi ako ngsisi dahil bata pa tayo nun. Dahil bata, karapatan natin mgkamali at masaktan. Pero kung ngayon yun, malamang hindi din yun aabot ng pitong taon, dahil mas malakas na ang loob ko upang ipaglaban ang simpleng kaligayahan ko.

Nagkasakitan tayo noon, pero hindi na yun sapat na dahilan para kamuhian pa kita ngayon. Hindi naman ako galit, sadyang may respeto lang ako sa asawa ko para pagaksayahan ka pa ng oras. At hindi ko rin kaya maging kaibigan ka, hindi dahil mahal pa kita, dahil wala na rin kabuluhan ang lahat. Alam kong ganun, dahil minsan na din natin pnilit maging magkaibgan pero hindi maganda ang naging resulta.

Salamat na lang sa mga panahon na nanjan ka sa tabi ko at maraming salamat na pinilit mo na rin lang  kalimutan ang lahat.
Salamat na lang siguro ang masasabi ko, dahil hindi ko kaya magsorry dahil alam ko, patas lang tayo.

O ayan, hindi na ko bubuwistn ng konsenxa ko dahil kahit papanu, nagin parte ka na ng blog na ito. :)

No comments:

Post a Comment