Wednesday, December 26, 2012

Driving school


marunong naman ako mag drive ng automatic talagang takot lang ako sa traffic. Yun yung dahilan kung bakit ng disisyon akong pumasok sa driving school, para mawala ang takot ko sa mga kotseng nasa paligid ko. Limang araw lang yung pinili ko, pinakamaikli dahil refreshment lang naman kelangan ko. May kamahalan yung 5 araw na yun pero inisip ko na lang na investment ko yun sa buhay ko, dahil habang buhay ko naman magagamit yung skill na yun. Hindi naman pwedeng pagwala akong driver wala din. Nag enjoy naman ako sa limang araw na yun, mabait pa yung tutor ko. linagpasan na namin yung basic dahil sa drive test kaya ko naman. Kaya unang araw ko, sa traffic agad kami. at ilang beses ako napatayan dahil my clutch yung kotse. Pero okay lang naman, dahil pagdating ng ika tatlong araw para na kong pro driver(yabang ko lang). Kung iisipin hindi sulit yung 5 araw ko, dahil dapat 1 oras sa isang araw, eh pagpatak ng ikatlong araw 45 minutes na lang dahil medyo mayabang na ko, mabilis na rin takbo ko, kaya mabilis din namin naikot yung sudad.

wala na kasi yung ate ko, pumunta na ng ibanf lugar, gusto ko sana ako naman ang mgdrive para sa nanay ko, kaya gustong gusto ko matuto, pero my mga bglaang disisyon na nagyari, kaya ngayon na marunong na ko mgdrive sa traffic, nghihintay na lng ako ng tsempo kung kelan ko yun magagawa. Sana bigyan parin ako ng oras para dun. Na ipangako ko kasi sa sarili ko noon na i didrive ko ang nanay ko, hindi man ng sarili kong kotse pero atleast kahit minsan nagawa ko yun.





No comments:

Post a Comment