Nagbonding kami ng mga kapatid at naisipang pumunta sa perya. Mag fifiesta na kasi sa katabing lungsod kaya may peryahan, semi carnival ang style. Minsan lang ang perya dito, hindi tulad sa Manila, whole year round may carnival.
Una naming sinakyan yung carousel, dahil yun lang din naman ang alam ng 2 taon kong anak. Pero walang kabayo sa carousel, elepante, giraffe, camel at zebra meron. walang kabayo pero sulit dahil may Safari!
Tatlong minuto din kami ngpa ikot ikot, nahilo na lang ako ng kakaikot.
Sunod na sinakyan namin ay ang ferris wheel kung saan nagsisigaw ako ng napaka lakas. Sinigaw ko sa buong perya n hindi na talaga ako sasakay ng ferris wheel. Bumaba din agad yung isa kong kapatid at pamangkin ko, kasama kasi nila yung anak ko, takot na takot na.
Sunod nami sinubukan ay yung swan, kung saan iikot ka ng mahina at bibilis ito habang tumatagal. Nangalay yung kamay ko kakahawak dahil kung hindi ka hahawak, lilipad ka palabas ng sasakyan.
Yun na muna sinakyan namin, hindi muna namin susubukan yung iba dahil hindi ko sigurado kung pwede yun sa anak kong dalawang taon at sa totoo, kulang na rin yung perang dala namin.
Gabi na din kami nakauwi, magtatatlong oras din pala kami dun, parang ang bilis lang. At sinong nagsabing hindi nabibili ang kasiyahan? At sino din nagsabing hindi ito mahal? Kung iisipin, ang simpleng kasiyahan tulad sa pagsakay ng rides na yun ay mahal din pala. Pero okay lang yun, ano pa ba ang mura sa panahon na ito? Ang importante lang naman, masaya ka, masaya sila at ang iilang taong kasama ko sa peryang yun.
balak namin bumalik sa isang lingo, maiipon ulit ng pera para sa panandaliang kasayahan.
No comments:
Post a Comment