September 16, five ng umaga, yun yung araw at oras na pumutok yung water bag ko. Ang sabi ko maaga pa para pumunta sa lying in ng doctor ko. Nag ayos muna ako ng Mga gamit at nag asikaso ng panganay ko. Mga 8 ng umaga wala pa din akong naramdaman nA sakit, pero pumunta na din kami sa doctor para ipa check. 1 cm pa lang, pinababalik na lang kami paglumaki na ito. Na ubos ang buong araw na yun,, pero wala akong naramdaman na sakit, tinulog ko na lang yun, Dapat pala eh, bumalik kami dun sa doctor namin para natulugan ako. Sumunod na araw, sept. 17, ng alas otso ng umaga ng kami ay bumalik, kasama ng asawa ko at nanay Nya. 1 cm pa din, pero pina admit na ko dahil nauubos na ang tubing na ngpoproteksyon sa bata. Tinurukan ako ng gamot para pang pa Lambot ng matres, pero pagkalipas ng Ilang oras, wala pa rin pagbabago. Dalawa lang ang konklusyon ng doctor, isa ay msyadong malaki ang bata kaya Hindi makalabas at ang pangalawa Mali ang orientasyon ng bata sa tiyan ko. Pagkatapos nun, linagyan ako ng IV, na my gamot para matulungan lumaki ang cervix ko. Laking tuwq namin na umipekto ang gamot, kumain na ako ng huling Kain ko ng 9 nung gabing yun. Ngunit pagkalipas ng Ilang oras wala pa din nagyayari. Maliban sa nagkalagnat ako. Nakatulog ako ng ilang oras at na gising sa sakit na nararamdaman. Ginising namin yung midwife, bukod sa Hindi na gumagalaw ang cervix ko, tumataas pa ang lagnat ko. At dun na diniklara na emergency cs na ako.
Sept 18, 2:15 ng umaga, ang araw at oras na lumabas ang pangalawa kong anak. Dalawang araw ko din sya Hindi makita dahil kelangan ko pa magpagaling ng sugat.. Pangatlong araw, kaya ko ng gumalaw, pumunta ako sa NICU ng hospital para masilip ang anak ko. Masaya ako at sabik umuwi para mahawakan siya. Pero dahil sa mga taong nakikialam at pumapapel, Hindi ko man lamang Magarga ang anak ko kahit isang secundo.
Ayoko na I kwento dito ang Mga pangyayari, dahil na kwento ko na ito sa Ibang post. Nakakalungkot isiping Hindi ko man lamang naramdaman ang saya ng pagkakaroon ng anak na lalake. Dahil man sa Mga taong pilit na nakikialam o Dahil na rin siguro sa pagod ng operasyon na isinagawa sakin, kaya siguro halo halong emosyon din ang naramdaman ko.
Pero Masaya ako at nagpapasalamat sa Diyos na binigyan Nya ko ng pagkakataon maging nanay ng isang lalake at isang babae. Ang pamilyang pinangarap ko nuon pa man.